^

Probinsiya

Ambush: RTC judge tumba

- Ni Myds Supnad at Joy Cantos -

TAGUDIN, Ilocos Sur, Philippines — Nagulantang ang ta­himik na bayan ng Tagudin sa naganap na pama­maslang laban sa isang hukom makaraang ratratin ng motorcycle-riding gunmen kahapon ng mada­ling-araw sa bisinidad ng Barangay Lacong, malapit lamang sa himpilan ng pulisya sa nabanggit na bayan sa Ilocos Sur.

Dalawang tama ng bala sa dibdib ang tumapos sa buhay ni Judge Rey­ naldo Lasacandile ng Vigan City Regional Trial Court Branch 20.

Ayon kay P/Senior Supt. Eduardo Dopale, provincial police dreictor, lumilitaw na nag-aabang ng masa­sak­yang bus ang biktima pa­tungong Vigan City para pu­masok sa kanyang opi­sina bandang alas-4:45 ng madaling-araw nang pag­babarilin.

 “Mukhang inabangan si judge ng dalawang gunmen dahil alam nila na pa­pa­sok sa trabaho, nagco-commute lang si Judge Lasacandile,” pahayag ni Dopale.

Si Judge Lasacandile, 38, ay dating prosecutor sa Candon City, at tubong Barangay Salvacion sa nabanggit na bayan. 

Nabatid na walang ka­sama ang biktima nang siya ay tambangan. “Ini­wan daw ni judge ‘yong motor­siklo niya sa pa­ gawaan sa bayan ng Ta­gudin dahil na­sira, at noong nag-aabang na siya ng sasakyan pa­puntang Vigan ay doon siya bina­natan ng gunmen, ang masakit ay ma­ lapit pa sa PNP station ang pinang­yarihan ng shooting incident,” dag­dag pa ni Do­pale.

Bumuo na ng Task Force Lasacandile sa pa­ mu­muno ni Dopale upang resolbahin ang nasabing kaso.

BARANGAY LACONG

BARANGAY SALVACION

CANDON CITY

DOPALE

EDUARDO DOPALE

ILOCOS SUR

JUDGE LASACANDILE

JUDGE REY

SENIOR SUPT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with