MANILA, Philippines - Kalaboso ang binagsakan ng tatlong lalaki matapos makumpsikahan ng iba't ibang uri ng malalakas na kalibre ng baril at pampasabog sa inilatag na operasyon ng pulisya at militar sa magkakahiwalay na lugar sa Masbate kamakalawa.
Kinilala ang mga suspek na sina Rico Sandig, Reberto Tugbo, at Resurecion Sandig na pawang nakatira sa Sitio Siwayan, Brgy. Bangon, sa bayan ng Aroroy, Masbate. Nadakip ang mga suspek sa bisa ng 3 search warrant na inisyu ni Judge Maximo R. Ables ng Masbate City Regional Trial Court Branch 5. Nabatid na magkatuwang na sinalakay ng mga operatiba ng Joint Coordinating Center for Private Armies, Special Task Force Masbate at ng 9th Infrantry Batallion ng Philippine Army ang mga bahay ng tatlo sa nabanggit na lugar.