Mag-utol dinukot ng NPA

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, , Philippines — Pinanini­wa­laang patay na ang mag-utol na lalaki ma­karaang dukutin ng mga armadong kalalaki­han na sinasabing New People’s Army sa kani-ka­nilang tahanan kamakalawa ng hapon sa Sitio Maransas, Barangay Pili sa bayan ng Magallanes, Sorsogon. Kini­lala ng pulisya ang magka­patid na sina Estrilito Gruta, 33; at Ronilo Gruta, 35, ka­pwa may asawa.

Ayon sa police report, naunang kinidnap si Ronilo sa loob ng kanyang bahay samantala, si Estrilito na­man ay nagpapahinga sa kanilang bahay nang du­kutin.

Show comments