Pulis kinuyog ng vendor

TIAONG, Quezon, Philippines  — Isang pulis ang nasugatan matapos itong kuyugin ng may 11 illegal vendors na pu­malag sa ginawang clearing operations sa lumang palengke ng ba­yang ito kamakalawa. Nakilala ang nasuga­tang pulis na si PO3 En­rique Roldan, miyembro ng Tiaong PNP at kabilang sa nagsa­gawa ng clearing operations sa mga sidewalk vendors sa lumang palengke. Ayon sa ulat, nanlaban ang mga sidewalk vendor sa mga awtoridad na nag­paalis sa mga ito sa lu­mang palengke at ku­mumpiska sa kanilang mga panindang karne. Sinikap ni Roldan na makiusap sa mga vendors na kusang umalis na lamang subalit kinuyog ito ng mga vendors. Naka­takas ang mga kumuyog na vendors sa pulis.

Show comments