^

Probinsiya

Nursing coed na pumalag sa holdaper todas

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isang nursing student ang nasawi makaraang pagsasaksakin matapos itong pumalag sa nang­holdap sa kanya sa loob ng isang subdivision sa La Paz District, Iloilo City kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Dominique Annie Es­tampador, 4th year nursing student at nagtamo ng 7 saksak sa katawan.

Batay sa report, nadis­kubre ang bangkay ng biktima dakong alas-5:30 ng umaga na nakasalam­pak sa isang kanal sa kahabaan ng Valderrama St. sa loob ng Villa Her­mosa Subdivision ng nasa­bing lungsod.

Sa testimonya ng mga residente sa lugar, ban­dang alas-10 ng gabi noong Huwebes nang marinig ang palahaw ng isang babae pero hindi nila ito pinansin.

May hinala ang mga awtoridad na posibleng hinoldap ng mga suspek ang biktima na nanlaban kaya pinagsasaksak dahi­lan nawawala ang dala­wang cell phone nito.

Nabatid na pauwi na ang biktima galing sa duty nito ng harangin ng hindi nakilalang mga salarin.

vuukle comment

BATAY

DOMINIQUE ANNIE ES

HUWEBES

ILOILO CITY

ISANG

KINILALA

LA PAZ DISTRICT

SHY

VALDERRAMA ST.

VILLA HER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with