2 magsasaka pinabulagta
KIDAPAWAN CITY, Philippines – Dalawang magsasaka na sinasabing nagtatanim ng palay sa bukiring pag-aari ni Jeffrey Sibug Jaafar ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga armadong lalaki sa Barangay Sibawan, Kidapawan City, North Cotabato kahapon ng umaga. Kabilang sa mga napaslang ay sina Ahrifin Sariol, 53, ng Barangay Kalasuyan; at Anthony Dapan, 38, ng Barangay Sibawan, Kidapawan City. habang isa naman sa mga suspek ay si Diego Lam-an ng Barangay Inac,sa bayan ng Magpet. Inaalam ng mga imbestigador ng pulisya kung ang grupo ni Lam-an ay mga miyembro ng grupong Bagani na may operasyon sa North Cotabato.
- Latest
- Trending















