Stude nagbigti dahil sa babae

CAVITE, Philippines  – Pinaniniwalaang matinding problema sa ka-live-in partner kaya nagbigti ang isang estudyante sa likurang ba­hagi ng kanilang bahay sa Barangay Molino 4, Bacoor, Cavite. Kinilala ni SPO1 Dante Ordoño ang nag-suicide na si Michael Perlas, 22, 3rd year Marine Engineering at nakatira sa Mary Homes Subdivision sa nasabing barangay. Ayon sa police report, bago maganap ang insidente, nagkaroon ng alitan ang biktima at live-in partner na si Dally Jane Campipi, Wala naman nasisilip na foul play ang pulisya.

Show comments