Utak sa 3 kidnap slay, sumuko

MANILA, Philippines - Matapos ang tatlong linggong pagtatago sa ba­tas, sumuko ang itinutu­rong utak sa pagdukot at pagpatay sa mag-asawang rice trader sa Isabela ka­makalawa, ayon sa opisyal kahapon.

Sumuko ang suspek na si Jay Lord Dimal, 28, ng Brgy. Ipil, Echague, Isa­bela, isa ring rice mill owner at manager sa bodega ng bigas.

Tinukoy naman ang mag-asawa na sina Pan Xinyi na kilala sa pa­ngalang Lucio Pua at misis nitong si Pan Juhua alyas Rosemarie Pua na kapwa 38 at ang isa pa na si Gemma Eugenio, 44, pawang naka­tira sa bayan ng Alicia, Isabela.

Si Eugenio ay dealer ng bigas at canvasser habang ang mag-asawa ay may sampung taon na sa rice trading sa bansa.

Ang tatlong biktima ay dinukot noong Setyembre 6 ng gabi habang pauwi kung saan pinaslang saka itinapon ang mga bangkay sa magkakahiwalay na lugar.

Isa sa mga kidnaper na si Eduardo Sapipi ang ku­manta hinggil sa pag­dukot at pagpatay sa mga biktima na kinatigan naman ng isa pang suspek na si Ernesto Billador na nagturo sa master­mind.

Nabatid pa na itinuro nina Sapipi at Billador ang libingan ng mga biktima na narekober ang duguang mga damit sa crime scene.

Show comments