Rookie cop dedo sa ambus

MANILA, Philippines - Napatay ang isang ba­gitong pulis matapos pag­babarilin at tangayin pa ang sinasakyang motor­siklo ng mga armadong lalaki sa national highway ng Barangay Manuangan, sa bayan ng Pigcawayan, North Cotabato kamaka­lawa ng umaga. Kinilala ang napaslang na si PO1 Jerald Golez Albay, naka­talaga sa himpilan ng pu­lisya sa bayan ng Matanog at idineklarang patay sa Libungan Hospital.

Naganap ang krimen sa gitna na rin ng mahigpit na pagpapatupad ng Comelec gun ban kaugnay ng Ba­rangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Oktubre 25.

Show comments