MANILA, Philippines – Tatlo-katao na pinaniniwalaang nasa impluwensya ng alak ang iniulat na nasawi makaraang mahagip ang sinasakyang motorsiklo ng una ng pick-up patrol car ng ABS-CBN sa national highway ng Barangay Curtin sa bayan ng Sinait, Ilocos Sur noong Biyernes ng gabi.
Kinilala ni P/Senior Supt. Eduardo Dopale, Ilocos Sur PNP director, ang dalawa sa tatlong nasawi na sina Daniel Savellano at Peter Sentinaje.
Halos mapisak ang ulo at lumuwa ang utak nina Savellano at Sentinaje habang namatay naman sa Sinait Distrcit Hospital ang isa pang kasamahan.
Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, magkakaangkas sa motorsiklo ang tatlo nang mabangga ng pick-up patrol car ng ABS-CBN Laoag City ni Romulo Andres ng Brgy. Purag, Sinait.
Nabatid na patungo sa hilagang direksyon ang nasabing TV network nang salpukin ang motorsiklo ng tatlo kung saan isinuko naman sa pulisya ni Brgy. Chairman Andres ang drayber ng patrol car.