15 Koreans nasagip

ILOILO CITY, Philippines —Labin­limang Korean nationals ang nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) mula sa lumubog na mga bangkang sinasakyan nito sa Boracay island dahil sa malakas na ha­ ngin at alon.

Ayon kay PCG Station commander ng Caticlan na si Condrito Alvarez, walang nasawi sa mga dayuhan at nasagip din pati ang crewmen ng mga bangkang sinakyan ng mga ito.

Sinabi ni Alvarez, nag­ba­bakasyon ang mga Korean nationals sa Boracay at umarkila ng mga bang­ ka para sa island hopping ng biglang lumu­bog ang mga ito dahil sa malakas na alon at hangin noong Martes ng hapon.

Mabilis na napabatid sa PCG ang nangyari kaya kaagad nagpadala ng rescue team si Alvarez hang­gang sa sagipin ang mga biktima.

Show comments