Trak vs van: 6 todas

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Anim-katao ang kum­pirmadong nasawi ha­bang isa naman ang malub­hang nasugatan matapos sumalpok ang van sa sinu­sundan nitong ten-wheeler truck sa bayan ng Alcala, Cagayan kahapon ng ma­daling-araw.

Apat sa mga nasawi ay nakilalang sina Salvador Do­niego, Benedicto De Leon, Ileen Robles at isang tinukoy sa pangalang Felipe.

Isinasalba naman sa Ca­gayan Valley Medical Center si Randy Batobalanos na nasa kritikal na kalagayan.

Ayon kay SPO2 Alvino Sorita, dakong alas-3 ng ma­daling-araw nang maganap ang sakuna matapos puma­ilalim ang Starex van ng mga biktima sa sinusundang ten-wheeler truck sa kahabaan ng highway sa Brgy. Piggatan.

Lumalabas sa imbestigas­yon na nagmula ang mga biktima sa Maynila at patungo sana sa bayan ng Gonzaga na may 14-oras ang layo ng biyahe nang makasalubong si kamatayan.

Pinaniniwalaang nakaidlip sa pagmamaneho ang dray­ber ng van dahil sa mahabang oras na biyahe kaya naganap ang trahedya.

Nasa pangangalaga na­man ng pulisya ang driver ng truck na si Florentino Felipe ma­tapos sumuko.

Show comments