^

Probinsiya

Pamilya, 6 minasaker

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Hindi na nagising ang anim na miyembro ng pa­milya matapos na pagba­barilin ng mga armadong grupo sa loob ng kanilang bahay sa naganap na ma­dugong clan war sa Ba­rangay Panglahayan sa bayan ng Patikul, Sulu noong Miyerkules ng gabi.

Kabilang sa mga napas­lang na may apelyidong Aroh ay sina Karah, Gan­day, Delhana, Aldimar, Nur­wina, at si Lorwina Aroh.

Isinugod naman sa Sulu Provincial Hospital ang mga sugatang sina Narcisa Aroh at Nidzfar Ikson.

Sa phone interview, sinabi ni P/Supt. Joseph Ramac, bandang alas-7 ng gabi nang ratratin ng li­mang armadong kalalaki­han ang tahanan ng mga biktima na magkakatabing natutulog.

Tinukoy naman ni Ra­mac ang tatlo sa limang suspek na sina Imbay Hamed, Said Hamed at si Hadam Hamed na kasa­lukuyang tugis ng pulisya.

Base sa imbestigasyon, nag-ugat ang krimen ma­tapos na sunugin ng mga kalalakihang mula sa pa­milya Aroh ang bahay ng mga Hamed kung saan isa sa asawa ng mga suspek ay sinasabing ginahasa pa ni Aldimar.

Nagkalat naman sa crime scene ang mga basyo ng bala ng M16 Armalite rifles.

vuukle comment

ALDIMAR

AROH

HADAM HAMED

IMBAY HAMED

JOSEPH RAMAC

LORWINA AROH

NARCISA AROH

NIDZFAR IKSON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with