3 holdaper arestado

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Tatlong mi­yembro ng Citizens Armed Forces and Geographical Unit (Cafgu) na pinaniniwalaang sangkot sa serye ng robbery hold-up sa Albay ang naaresto ng pulisya sa isinagawang operasyon sa Sitio Maticol, Legazpi City, Albay kamakalawa. Pormal naman kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Reynaldo “Dagul” Arenas, 30, lider ng Arenas Gang, ng PNR site sa Barangay Penaranda; Brahelon Jimenez, 34, ng Purok 4, Barangay Pinaric; at si Renato De Lumen, 28, ng Barangay Pinarico. Narekober sa mga suspek ang cal. 45 pistola, at ang kinulimbat na motorsiklo. Samantala, pinarangalan naman ni P/Chief Supt. Cecilio Calleja ang nasugatang si SPO1 Eric Lumibao matapos makipagbarian sa grupo ng Arenas Gang.

Show comments