^

Probinsiya

Mag-asawang trader nilikida

- Ni Malu Cadelina Manar -

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Napaslang ang mag-asawang negosyante makaraang ratratin ng mga ‘di-pa kilalang lalaki na lulan ng tatlong motorsiklo sa bahagi ng Sinsuat Avenue sa Cotabato City, Maguindanao kahapon ng umaga.

Dalawang tama sa ulo ang tumapos sa buhay ni Nonie Luminog Laguiab habang sa dibdib naman ang tama ni Sarah “Bailyn” Mamalangcas-Laguiab,  kapwa 35-anyos at residente ng Sitio Kalantungan, Poblacion-8 sa Cotabato City.

Ayon sa report ng Cotabato City PNP, lulan ng Toyota Revo (XCC691) ang mag-asawa kung saan inihatid ang apat na anak sa Norte Dame Religious Virgin Mary of Cotabato bandang alas-6:30 ng umaga.

Ilang metro pa lamang nakalalayo ang mag-asawa sa nabanggit na eskuwelahan ay hinarang at niratrat ng motorcycle-riding gunmen.

Matapos masiguro na patay na ang mag-asawa ay kaagad na tumakas ang gunmen patungo sa direksyon ng Bormaheco Drive palabas ng Norte Dame Avenue.

Isa sa apat na anak ng mag-asawang Luminog ay nasa hayskul, dalawa sa elementarya, at isa naman sa kindergarten na pawang mag-aaral sa nabanggit na school.

Samantala, ilang oras matapos paslangin ang mag-asawang Luminog pinagbabaril din hanggang sa mapatay ang negos­yanteng si Monaim Dilaminan ng East Patadon, Kidapawan City.

vuukle comment

COTABATO CITY

EAST PATADON

KIDAPAWAN CITY

LUMINOG

MAG

MONAIM DILAMINAN

NONIE LUMINOG LAGUIAB

NORTE DAME AVENUE

NORTE DAME RELIGIOUS VIRGIN MARY OF COTABATO

SINSUAT AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with