Misis kumalas kay mister, tinodas

QUEZON, Philippines – Pinatay sa saksak ng isang negos­yante ang kanyang misis na pinaniniwalaang nakiki­pag­kalas sa kanilang re­lasyon kamakalawa ng umaga sa Barangay Talo­long sa bayan ng Lopez, Quezon.

Labing-isang saksak sa iba’t ibang bahagi ng ka­tawan ang tumapos sa buhay ni Marife Argudo y Aguire, 48, trader habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Ronald Merjudio y Bitoin, 45, ne­gosyante rin.

Ayon kay PO2 Arlan Uriarte, may hawak ng kaso, dakong alas-8:40 ng umaga ay narinig ng mga kapitbahay na nag-aaway ang mag-asawa.

Nabatid na iginigiit ng babae na tapusin na nilang mag-asawa ang relasyon at magkanya-kanyang buhay kung saan ibig sabihin ay maghiwalay.

Hindi naman tinang­gap ng mister ang alok ng kanyang asawa at sa halip ay pinag­dimlan ito ng isip kung saan tu­makbo sa kusina saka kumuha ng kitchen knife at isina­gawa ang krimen.

Nahaharap ngayon sa kasong parricide ang suspek habang naka­kulong.

Show comments