Negosyante dedo sa ambush

CAVITE, Philippines  — Pinagbabaril hanggang sa mapaslang ang isang 38-anyos na nagnenegosyo ng prutas at gulay na na­­ganap na panibagong karahasan sa bahagi ng Barangay Santiago Road sa bayan ng General Trias, Cavite ka­makalawa ng hapon. Apat na bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Elmer Ilagan ng Lavanya Subd. sa Brgy Bacao 1, ng nasabing bayan. Ayon kay PO2 Brendo Llanda, lulan ng dyip (DPR 645) ang biktima kasama ang kanyang pahi­nante nang ratratin ng motorcycle-riding gunmen.

Show comments