Commissioner sa ARMM inutas sa cafeteria

MANILA, Philippines - Patay ang isang Provincial Commissioner ng Regional Reconciliation and Unifa­cation Council (RRUC) ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) mata­pos na pagbabarilin ng nag-iisang salarin sa Cota­bato City kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Assib Ibrahim, residente ng Brgy. Simuay, Sultan Kuda­rat, Maguindanao. Si Assib ay dead on the spot sa tina­mong mga tama ng bala sa kani­yang ulo.

Sa ulat ng Cotabato City Police, naganap ang pama­maril sa biktima sa loob ng Arshed Cafeteria na mata­tag­puan sa kahabaan ng Sinsuat Avenue, Poblacion 6 ng nasa­bing lungsod da­kong alas-5:30 ng hapon.

Ayon sa imbestigasyon kasalukuyang hinihintay ng biktima ang kaniyang inorder na pagkain ng biglang su­mulpot ang suspect na arma­do ng kalibre 45 na baril.

Arestado naman ang suspect na si Castro Esmael ma­tapos habulin ng mga ope­ratiba ng pulisya nang ituro ng mga testigo na siyang bumaril sa biktima.

Nasamsam mula sa pag-iingat nito ang nasabing ar­mas na may isang magazine na may ilang piraso ng bala.

Nahaharap ngayon sa kasong criminal ang suspect habang narekober naman sa crime scene ang mga basyo ng bala at ang gina­mit nitong baril sa pag­paslang sa bik­tima. Hindi naman malinaw kung ano ang motibo sa isina­gawang krimen. 

Show comments