MANILA, Philippines - Bumagsak sa mga awtoridad ang isa pang suspect sa malagim na Maguindanao massacre na ikinasawi ng 57 katao na karamihan ay mediamen sa isinagawang operasyon sa bayan ng Datu Odin Sinsuat ng lalawigan kamakalawa.
Kinilala ang nasakote na si Muhammad Datumanong, 22-anyos na kabilang sa mga miyembro ng Civilian Volunteers Organization (CVOs) na sangkot sa masaker.Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naaresto si Datumanong sa bayan ng Datu Odin Sinsuat sa lala wigan bandang alas-4 ng hapon.
Nabatid na inaresto ito ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ha bang sumasailalim sa training ng CAFGU sa kampo ng Army.
Patuloy naman ang pagtugis ng mga awtoridad sa iba pang sangkot sa pagpatay sa 57 katao kabilang ang 32 mediamen noong Nobyembre 23 sa Ampatuan, Maguindanao.