Props sa cheer dance competition sumabog..., Choreographer putol-kamay, 51 sugatan

ZAMBALES, Philippines — Uma­abot sa 52-katao na kara­mihan ay estudyante ang iniulat na nasugatan ma­tapos sumabog ang mga pyrotechnics na may gunpowder ang idinaos na cheer dance competition sa intramural sa bayan ng Subic, Zambales noong Mi­yerkules ng gabi.

Sa ulat ni P/Senior Inspector Nelson de la Cruz, hepe ng Subic PNP, naga­nap ang pagsabog sa intramural ng Colegio de Subic kung saan apat na estu­dyan­te ang nasa kri­tikal na kalagayan kabi­lang ang naputulan ng kamay na dance choreographer na si Ferdinand Telmo.

Naisugod naman ang mga biktima sa James Gordon Hospital at Our Lady of Lourders Hospital.

Lumilitaw sa imbesti­gas­yon na ginamit ang pulbura ng bala ng baril bilang props na sinasabing patalbugan sa cheer dance ng mga estudyante.

Napag-alamang itina­taktak ni Telmo ang pul­bura sa katol na nasa flooring nang kumislap at habulin ng apoy ang bo­teng may gunpowder na hawak nito kung saan sumagit­sit na nadamay ang iba pang boteng may gunpowder na magka­kasu­nud na su­mabog.

Posibleng kasuhan ang administrasyon ng nasa­bing kolehiyo dahil pina­yagan ang sangkaterbang gunpowder na gamitin bilang props.

Show comments