^

Probinsiya

Ina ng GF baby hawak na ng NBI

- Artemio Dumlao -

BAGUIO CITY, Philippines — Di­nala na sa Maynila ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation sa Tuguegarao City ang isang 30-anyos na ina ng sanggol na inaban­dona sa basura­han ng ero­plano noong Ling­go sa isinagawang operas­yon sa bayan ng Flora sa Apayao kahapon ng uma­ga.

Ayon kay P/Senior Supt. Nestor Bergonia, kusa na­mang sumama si Alma Dag­gadan Estrelle ng Barangay Anninipan sa NBI patu­ngong Manila para magpali­wanag sa gina­wang pag-abandona sa kanyang anak.

Si Estrelle na sinasa­bing nanganak habang lulan ng Gulf Air ay naki­lala ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport matapos re­kisahin ang passenger manifest.

Pinangalanang “George Francis” ang sanggol mula sa flight code GF (Gulf Air), matapos matagpuan ng cleaner ang sanggol na ina­bandona sa garbage bag sa loob ng eroplano na lumapag mula sa Bah­rain noong Linggo ng umaga.

Napag-alaman din na isinulat ni Estrelle ang kanyang pangalan, date of birth at numero ng pa­saporte sa immigration ar­rival card, subalit bina­kante ang address portion para hindi matunton ang kan­yang tirahan.

Ika-80 pasahero si Estrella sa nag-check-in sa flight sa Bahrain kung saan may bakas pa ng dugo ang kan­ yang upu­ang 40D.

vuukle comment

ALMA DAG

BARANGAY ANNINIPAN

ESTRELLE

GEORGE FRANCIS

GULF AIR

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NESTOR BERGONIA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

SHY

SI ESTRELLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with