Mag-asawang fish dealer kinatay

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Brutal na kamatayan sinapit ng mag-asawang negosyante ma­ka­raang pagtatagain ng mga ‘di-pa kilalang lalaki sa bahagi ng Barangay Po­teston sa bayan ng Baras, Catanduanes kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang mag-asa­wa na sina Joshar Briquillo 43; at Dolores Briquillo 53, kapwa fish dealer at na­katira sa Barangay Lanao sa bayan ng Virac, Catan­duanes.

Nabatid na lulan ng tray­sikel ang mag-asawa para mag-deliver ng dalawang banyera ng isda sa bayan ng Virac nang harangin ng grupo ng kalalakihan.

Mismong sa loob ng traysikel pinagtataga ang mag-asawa kung saan bago tumakas ng grupo ay nagawang tangayin ang mga alahas na suot ng mag-asawa, dalawang cell phone at malaking halaga na nasa bag.

Show comments