3 NPA todas sa encounter

MANILA, Philippines - Napaslang ang tatlong rebeldeng New People’s Army matapos makasagupa ng mga sundalo ng 42nd Infantry Battalion ng Phil. Army sa liblib bahagi ng Barangay Pakili sa bayan ng Bula, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Ayon sa tagapagsalita ng Army’s 9th Infantry Divison na si Major Harold Cabunoc, namataan ng pangkat ni Lt. Nyro Jimenez ang mga rebelde na nangingikil sa mga residente kung saan sumiklab ang bakbakan. Samantala, nasugatan sa panig ng military si Pfc. Marciano Alguera. Narekober sa encounter site ang apat na matataas na kalibre ng armas.

Show comments