Pulis nabaril ang sarili, utas

MANILA, Philippines - Isang opisyal ng pulisya ang kumpirmadong nasawi makaraang tamaan ng bala ng baril na kanyang nililinis sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Tugbungan, Zamboanga City kamakalawa. Nagtamo ng tama ng bala sa kanang teynga na naglagos sa kaliwang teynga si P/Senior Inspector Carlito Gojoco Duay, ng Regional Headquarters Service Group. Base sa police report, na­dis­kubre ng bayaw na si Francis Marcelion ang pag­kamatay ng biktima sa loob ng kuwarto kung saan narekober ang cal. 9mm pistol.

Show comments