^

Probinsiya

LBC van hinaydyak sa Quezon

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines  — Natangay ng mga armadong lalaki ang ‘di-pa mabatid na halaga at ari-arian matapos hay­dyakin ang van ng LBC sa bahagi ng Sitio Amao sa Ba­rangay Silangan Malic­boy sa bayan ng Pagbilao, Quezon kahapon ng ma­daling-araw.

Kinilala ni PO3 Allan Falqueza, officer-on-case ng Pagbilao PNP ang mga biktimang sina Leonel An­fone, 27, ng Dasmari­ñas, Cavite; Rommel Banal at si Marcos Mabeza, kap­wa residente ng Camarines Sur at mga kawani ng LBC Express Delivery.

Base sa police report, binabagtas ng van ang highway sa Old Zigzag road nang biglang mapa­hinto dahil sa nakaharang na troso bandang alas-4:30 ng madaling-araw.

Kasunod nito, sampung maskaradong kalalaki­hang armado ang lumu­tang kung saan hindi na nakapalag pa ang mga bik­timang lulan ng van.

Matapos tangayin ang mga gamit at pera, agad na ikinulong sa loob ng van ang mga biktimang igina­pos ang mga kamay at paa.

Nakalabas lamang ang mga biktima nang marinig ang kanilang mga sigaw ng mga dumaraang residente kaya agad na nai-report sa pulisya ang insidente.

vuukle comment

ALLAN FALQUEZA

CAMARINES SUR

EXPRESS DELIVERY

LEONEL AN

MARCOS MABEZA

OLD ZIGZAG

PAGBILAO

ROMMEL BANAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with