KAMPO ALEJO SANTOS, Malolos City, Philippines — Aabot sa 14 katao na sinasabing nagpapakalat ng bawal na droga ang naaresto ng pulisya sa isinagawang drug bust operation sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Bulacan, ayon sa ulat.
Kinilala ni P/Insp. Edwin Bermejo ang mga suspek na kinasuhan habang nakakulong ay sina Arse nio Ramos, Genesis Dela Cruz, Rizza Jacinto, Reynante Villena, Darius Agapito, Jersey Werto, Greece Vereal, Emer De Rega, Cesar Cruz, Christoper Ramos, Marlito Matic, Alex Caparas, Mario Joson, at si Antonio Cruz. Nasamsam sa mga suspek ang ilang gramo ng shau na nagkakalaga ng P.1 milyon at iba’t ibang drug paraphernalia.