5 NPA rebs sumuko

MANILA, Philippines - Limang rebeldeng New People’s Army ang sumuko sa militar sa Sarangani Province, ayon sa ulat kahapon. Sa ulat na naka­rating sa Camp Crame, kabilang sa mga sumukong rebelde ay sina Mamerto Booc, 41; Pedring Mapuno, 28; Bernard matugol, 41; Ferbert Ontic, 28; at si Ben­son Labilon, 30; pawang mga kasapi ng Platoon Mazda, Guerrilla front.

Isinuko rin ng mga re­belde ang kanilang mala­lakas na kalibre ng baril Samantala, isa rin sa na­iligtas ng militar ay ang ba­tang lalaki na ginamit na mandirigma ng NPA sa bulubundukin ng Brgy. Datal Angas, sa bayan ng Alabel.

Show comments