ABC president dedo sa pananambang

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines —Isang ba­rangay chairman na pa­ngulo ng (Association of Ba­rangay Chairmen) sa bayan ng Del Gallego, Camarines Sur ang nasa­wi habang nakaligtas na­man ang kasama nitong ba­­rangay chairman din ma­tapos silang tamba­­n­gan ng mga ‘di-nakikila­lang mga ar­madong sus­pek sa kaha­baan ng Ma­har­lika Highway sa Baran­gay Bagacay, Libma­nan, Ca­ ma­rines Sur.

Nakilala ang biktima na si Danilo Buendia, may asa­wa at ABC President ng bayan ng Del Gallego ha­bang ang ka­samahan ni­tong nakaligtas sa ambush ay si Ruben Reli 62, may asawa, incumbent Ba­ran­gay Captain ng Ba­rangay Sugsugin, Del Gallego.

Ayon kay Chief Insp. Pe­­lagio Samson Jr., spokes­man ng Kampo Simeon Ola, ang insidente ay naganap dakong alas-3:00 ng hapon habang ang mga biktima ay sakay ng isang Toyota In­nova na may plate no. SHY-429 na pag-aari ng muni­sipyo ng Del Gallego.

Napag-alaman na ang mga biktima ay binabagtas ang kahabaan ng naturang highway sa Barangay Ba­ga­cay ng bigla silang ratra­tin ng hindi nakilalang mga suspek. Namatay agad ang biktima habang nakaligtas naman ang kasama nito.

Malaki ang paniniwala ng pulisya na hindi ang baran­gay opisyal ang target ng mga suspek kundi ang na­kasakay sa Mitsu­bishi sedan na ka­sunod nito na may dalang mala­king halaga ng pera mata­pos mag-withdraw sa bang­ko.

Show comments