8 tiklo sa drug bust

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Walo-katao ang naaresto matapos magsagawa ng drug bust operation ang pulisya sa Purok Krislamville sa bayan ng Kabacan, North Cotabato kahapon ng umaga.

Ayon kay P/Supt. Joseph Semillano, hepe ng Kaba­ can PNP, kabilang sa mga kina­­suhan habang nakaku­long ay sina Farida Blah, Laga Holi­carpio, Babai Caumbo, Edna Suelo, Mar­ife Chua, Ansari Balim­bi­ngan, Dadong Alon, at si Ma­guid Blah.

Ang mga suspek ay dinakma ng grupo ni P/Supt. Alexander Tagum, hepe ng Public Safety Company ng North Cotabato Provincial Police Office kung saan bitbit ang search warrant na inisyu ni Judge Lau­rano Alzate ng Kabacan Regional Trial Court Branch 22. 

Nakumpiska sa mga sus­pek ang ilang gramo ng sha­bu, mga illegal drug paraphernalia, tatlong sasak­ yan.

Show comments