3 magsasaka tusta sa kidlat
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Kamatayan ang sumalubong sa tatlong magsasaka habang tatlong iba pa ang malubhang nasugatan makaraang tamaan ng matalim na kidlat sa bisinidad ng Barangay Tinampo sa Ligao City, Albay kamakalawa ng hapon.
Kabilang sa mga nasawi ay sina Reynaldo Frias, Miguel Olazo at Jogi Pobar habang nasa kritikal na kalagayan sa Josefina Duran Memorial Hospital sina Rogelio Prades, 32; Anthony Realingo Borromeo, 19; at si Joel Borromeo, 34.
Nabatid sa ulat na si Borromeo ay inilipat naman sa Bicol Regional Training Hospital.
Base sa police report, nagsasaka ang mga biktima nang biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya pansamantalang sumilong sa kubo.
Gayon pa man, sa hindi inaasahang pagkakataon ay dumagundong kasabay na kumulog at kislap ng matalim na kidlat ang bumulaga sa kinaroroonan ng mga biktima. Ed Casulla at Joy Cantos
- Latest
- Trending



















