2 tiklo sa P15-milyong shabu

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Dalawang drug trafficker ang naares­ to makaraang makumpis­ka­han ng P15M halaga ng sha­bu sa isinagawang ope­rasyon ng militar at pulisya sa pantalan ng Cataingan, Mas­bate kaha­pon ng umaga.

Sumasailalim na sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Faith Ga­diane, 25; at Susan Hope Florita, 26, kapwa nakatira sa Cebu City.

Bandang alas-9:30 ng umaga nang masabat ang mga suspek na lulan ng Roro bus kung saan naka­la­gay sa bagahe ang high-grade shabu.

Ayon kay P/Senor Supt. Tomas Seminiano, provincial police director, palabas ng fascraft ang bus na si­nasakyan ng dalawa mula sa bayan ng Pilar, Sor­sogon ng madiskubre ang 5.28 kilong shabu.

Lumilitaw na naka­tanggap ng impormasyon ang pulisya kaugnay sa modus operandi ng dalawa kaya kaagad na naglatag ng checkpoint sa pantalan.

Show comments