Ispiya ng AFP/PNP nilikida

CAMP SIMEON OLA , Legazpi City, Philippines – Napaslang ang isang 57-anyos na mangingisda na sinasabing ispiya ng militar at pulisya makaraang pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army sa Barangay Butag sa bayan ng Bulan, Sorsogon kahapon ng umaga. Ayon sa pulisya, papalabas ng kanyang bahay para bumili ng tinapay si Ricardo Gutlay nang lapitan at ratratin ng mga armadong lalaki bandang alas-6 ng umaga.

Show comments