Briton trader dedo sa holdaper

MANILA, Philippines - Napatay ang isang negosyanteng Briton na sinasabing pumalag sa mga holdaper matapos na pagbabarilin noong Lunes ng gabi sa bahagi ng Barangay 4 sa Sipalay City, Negros Occidental. 

Sa report ni Police Re­gional Office 6 Director P/Chief Supt. Samuel Pagdilao Jr., kinilala ang napaslang na si Anthony Nicolas, may-ari ng High Joe Beach Resort sa nabanggit na lungsod. Bandang alas-7 ng gabi nang maganap ang krimen sa bisinidad ng Sitio Matlag sa nabanggit na barangay.

Lumilitaw na papauwi na si Nicolas lulan ng kaniyang traysikel nang harangin ng dalawang armadong lalaki. Nagdeklara ng holdap ang dalawa subalit nanlaban si Nicolas kaya pinagbabaril ito kung saan napuruhan sa ulo.

Show comments