Ina pinatay sa sakal ng anak

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines   — Isang 59-anyos na nanay ang pinatay sa sakal ng kanyang anak na dalaga na sinasabing may diprensya sa pag-iisip sa loob ng kanilang bahay sa Sampaguita Village, Ba­rangay Piot sa Sorsogon City, Sorsogon kamakalawa ng gabi. Naisugod pa sa Sorsogon Doctors Hospital subalit namatay din si Alicia Serrano samantala, naaresto naman ng pulisya ang suspek na si Maria Angela Serrano, 26. Bandang alas-10 ng gabi nang isagawa ng suspek ang pamamaslang sa kanyang ina na natu­tulog na sa loob ng kuwarto.

Show comments