Ebidensiya vs mayor nawawala
ILAGAN, Isabela, Philippines — Nawawala sa provincial prosecutr’s office ang mga ebidensyang baril laban kay Gamu Mayor Fernando Cumgad kaugnay sa kasong illegal possession of firearms na isinampa sa korte noong May 2010 eleksyon.
Ayon kay Provincial Prosecutor Anthony Foz, kabilang sa nga nawawalang ebidensya na gagamitin sana ng korte bilang ebidensiya ay apat na rifle grenades, 9mm pistol at 1-M16 Armalite rifle na sinasabing nasa custody ng prosecutor’s office noon pang Mayo 2010.
“An investigation is at present being conducted regarding this matter. CIDG has already taken testimonies from all of my staff and we are now awaiting the results of their probe,” pahayag ni Foz.
Maliban sa mga prosecutors ay iniimbestigahan din ang mga kawani, “All of us in the prosecutor’s office should all be investigated and nobody is exempted,” pahayag ni Asst. Provincial Prosecutor Don Abogado.
Nabatid na walang palatandaan winasak ang pinaglalagyan ng mga armas, patunay lamang na inside job ang krimen.
Katuwang ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ay kumilos na rin ang pamunuan ng National Bureau of Investigation (NBI) upang tumulong sa imbestigasyon.
- Latest
- Trending