Misis, lover kinatay ni mister

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  — Napas­lang ang isang lalaki ha­bang malubha naman ang babae matapos tagain ng mister ng huli ang magka­laguyo na sinasabing na­ ak­tuhang magkapatong sa kama sa loob ng kanilang tahanan sa Purok 3, Ba­rangay Mangkasay sa ba­yan ng Paracale, Cama­rines Norte kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang napatay na si Julito Hernandez, 35, tu­bong South Villazar sa ba­yan ng Sipocot, Camarines Sur, samantala nasa kriti­kal naman na si Esa Aga­nan, 43, na ngayon ay nasa Camarines Norte Provincial Hospital.

Samantala, sumuko na­man sa pulisya ang suspek na si Winnie Aganan, 45.

Batay sa ulat, naaktu­han ni Winnie ang kanyang msisi at kalaguyo nito na kapwa walang saplot sa katawan at magkatabi sa kanilang kama dakong alas-11 ng gabi.

Sa tindi ng galit ay pi­nagtatataga ng suspek ang magkalaguyo kung saan nagawa pang maka­talon mula sa bintana ang kalaguyo ni misis kahit na sugatan.

Subalit namatay din may isang metro lang ang layo sa bahay ng mag-asawa ay nasawi rin ilang metro ang layo sa bahay ng mag-asawa dahil sa sugat sa buong katawan.

Lumilitaw na minatya­gan ng suspek ang kan­yang misis matapos maka­abot sa kanyang kaalaman na may milagrong gina­gawa.

Show comments