^

Probinsiya

Niratrat sa cavite:Totoy dedo, 2 sugatan

- Ni Cris­tina Go-Timbang -

CAVITE, Philippines  — Hindi na uma­bot pa ng buhay sa paga­mutan ang isang 12- anyos na totoy, habang sugatan naman ang dalawa pa nitong kasama makaraang pagbabarilin ang mga ito habang bumababa sa sasakyan, kamakalawa ng gabi sa Brgy. San Agustin, Trece Martirez City ng lalawi­gang ito. 

Nakilala ang nasawi na si   Adrian Perez, 12 , habang su­gatan naman sina Mary Joy Perez 35,   at Janice Simo 33, dalaga. Hindi naman nakilala ang suspek na armado ng kalibre 9mm pistol na mabilis na nakatakas matapos ang ginawang pamamaril. 

Ayon sa pulisya alas-6:00 ng hapon ng pumarada ang isang bagong Toyota Altis na kulay gray at wala pang plaka sa Capitol Food Plaza Provincial Capitol Compound sakay ang mga biktima. Habang pababa ang mga biktima pa­tu­ngo sa kanilang tindahan ay biglang dumating ang isang lalaki na armado ng maiksing baril at dalawang ulit silang pinaputukan at tinamaan ang mga biktima. Isinugod sa Gen. Emilio Aguinaldo Memorial Hospital ang mga biktima su­balit idineklara ng dead-on- arrival si Adrian. Wala pang ma­­ibigay na detalye ang pulisya sa pagkakakilanlan sa suspek at sa motibo nito.

vuukle comment

ADRIAN PEREZ

CAPITOL FOOD PLAZA PROVINCIAL CAPITOL COMPOUND

EMILIO AGUINALDO MEMORIAL HOSPITAL

JANICE SIMO

MARY JOY PEREZ

SAN AGUSTIN

SHY

TOYOTA ALTIS

TRECE MARTIREZ CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with