^

Probinsiya

Court sheriff utas sa ambush

- Ni Cristina Go-Timbang -

CAVITE, Philippines  — Dead-on-the-spot ang isang court sheriff ma­karaang ambusin ito ng mga hindi pa nakikilalang sus­pek na armado ng ma­iksing baril sa kahabaan ng Coastal Bay Subdivision, Brgy. San Rafael 4, Noveleta ng lalawi­gang ito, kama­kalawa ng tanghali. 

Sa ulat na nakalap sa tanggapan ni Cavite Provincial Director Sr. Supt. Danilo Maligalig, ang biktima ay nakilalang si Hernan Rode­las, 44 , biyudo, court sheriff sa RTC ng Cavite City at na­katira sa San Isidro, Brgy. Lig­tong 2, Rosario ng nasa­bing lalawigan.

Batay sa ulat, naganap ang insdente alas -12:10 ng tanghali habang ang biktima ay sakay ng kanyang motor­siklo na Honda Wave Motorcycle (OO-7274) galing sa kanyang trabaho. Habang binabaybay ng biktima ang nasabing lugar ay lingid sa kanyang kaalaman may nag aabang na sa kanyang da­da­anan. Inaalam pa ng pu­lis­­ya ang motibo ng mga sus­pek at kung ito ay may kaug­nayan sa kanyang trabaho.

vuukle comment

BRGY

CAVITE CITY

CAVITE PROVINCIAL DIRECTOR SR. SUPT

COASTAL BAY SUBDIVISION

DANILO MALIGALIG

HERNAN RODE

HONDA WAVE MOTORCYCLE

SAN ISIDRO

SAN RAFAEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with