Gusali gumuho: 1 patay, 4 sugatan

MANILA, Philippines - Isang obrero ang nasawi habang apat pa ang nasu­gatan makaraang aksiden­teng gumuho ang elevator shaft sa isang bahagi ng itina­tayong gusali ng Ayala Land Corporation sa Bajada District, Davao City nitong Saba­do ng umaga.

Kinilala ang nasawing biktima na si Crispin Basilio Desalisa na natabunan ng gumuhong gusali at mahigit isang oras bago naiahon ang bangkay sa lugar.

Agad namang isinugod sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) para mala­pa­tan ng lunas ang apat pang mga nasugatan. Kini­lala ang tatlo sa mga sugatan na sina Marciano Polbo, Jimmy delos Santos at Joy Rey Suson.

Sa ulat ng pulisya, naga­nap ng insidente sa itinata­yong gusali ng Ayala Land Corporation sa nasabing lugar bandang alas-7 ng umaga. Sa pahayag ng isa sa mga bik­tima kasalukuyan silang nag­bubuhos ng semento sa ika-apat na palapag ng biglang gumuho ang bahagi ng elevator shaft ng gusali.

Isinasailalim pa ng mga awtoridad sa masusing im­bes­tigasyon ang kasong ito.

Show comments