Airgun napagkamalang laruan: 4-anyos todas sa 5-anyos na kuya

MANILA, Philippines - Isang tama ng air gun sa katawan ang kumitil sa buhay ng isang apat na taong gulang na ba­ tang lalaki matapos itong aksi­denteng mabaril ng kani­yang 5-anyos na kuya sa loob ng kanilang tahanan sa bayan ng Bur­gos, Pangasinan ka­makalawa.

Dead-on-arrival sa Da­sol Community Hospital sa bayan ng Dasol, Panga­sinan ang biktimang kinila­lang si Adrian Keith Navida, residente ng Brgy. San Miguel ng bayang ito.

Batay sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 1 Director Chief Supt. Orlando Mabutas, naganap ang insidente sa tahanan ng mga biktima sa Brgy. San Miguel ng bayang ito bandang alas-4:30 ng hapon

Sa salaysay ng lolo ng mga bata na si Geronimo Navida Sr., iniwan niya ang dalawang apo na naglalaro sa labas ng kanilang bahay dahilan may tinatapos pa siyang trabaho.

Sa pag-aakalang laruan ay kinuha ng 5-anyos na kuya ng nasawi ang naka­sukbit na airgun sa may bintana na inakala nitong baril-barilan saka iniumang sa nakababatang kapatid na kinalabit ang gatilyo.

Napatakbo ang matan­da ng marinig ang malakas na putok ng baril sa loob ng kanilang bahay at laking gulat nito ng makitang duguan si Adrian   na may tama ng bala sa kaliwang balikat.

Nagawa pang maisu­god ang biktima sa paga­mu­tan pero nabigo ng maisalba ang buhay nito ha­bang na-trauma naman ang kaniyang kuya sa bilis ng pangyayari.

Kasalukuyan pang ini­imbestigahan ng mga aw­to­ridad ang kasong ito.

Show comments