^

Probinsiya

Motorsiklo sinalpok ng trak

- Ni Francis Elevado -

CAMARINES NORTE, Philippines — Dahil sa kawalan ng warning sign sa baku-bakong kalsada, isang 33-anyos na mister ang iniulat na nasawi matapos salpu­kin ng cargo truck ang kanilang motorsiklo sa Maharlika Highway sa Sitio Potot, Barangay Da­ guit, sa bayan ng Labo, Ca­marines Norte kama­kalawa ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Ro­berto Obin ng Brgy. San Roque sa bayan ng Mercedes habang kritikal naman ang drayber ng motorsiklo na si Merlito Abogado na ngayon ay nasa Camarines Norte Provincial Hospital.

Ayon sa pulisya, su­muko naman ang driver ng truck (WSL 776) na si Carmelo Pabico, 31, ng Vinzons Ave­nue, Daet. Nabatid na nauna ng ini­rereklamo ng mga moto­rista ang kawalan ng warning sign ng DPWH kaugnay sa kurbadang kalsada na sinasabing lubak-lubak kung saan hindi na mab­i­lang ang nadidisgrasya.

vuukle comment

AYON

BARANGAY DA

CAMARINES NORTE PROVINCIAL HOSPITAL

CARMELO PABICO

MAHARLIKA HIGHWAY

MERLITO ABOGADO

SAN ROQUE

SHY

SITIO POTOT

VINZONS AVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with