Marines tumanggi sa suhol pinarangalan

MANILA, Philippines - Pinarangalan ng mga opisyal ng Philippine Marines ang isa sa kanilang sundalo na sinasabing tumanggi sa suhol noong kasagsagan ng May 10, 2010 national elections sa bayan ng Patikul, Sulu.

Ito ang inihayag kaha­pon ni Navy spokesman Marine Lt. Colonel Edgard Arevalo, na tinukoy ang pi­narangalan mula sa tropa ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 5.

Ayon sa ulat, ang mga sundalo ng MBLT 5 sa ila­lim ni ex-Philippine Marines Commandant Major Gen. Juancho Sabban na nagti­yagang nagbabantay sa polling precinct sa Baran­gay Buhanginan sa na­banggit na bayan ay hindi ipinagpalit ang kani­lang dignidad at hindi nag­pa­silaw sa tukso ng salapi.

Iprinisinta ni Sabban sa lider ng 15-men team ng MBLT 5 na si 2nd Lt. Mar­celo Flores na tumangging kunin ang P.1 milyong su­hol ng mga mandara­yang lokal na kandidato.

Sinabi ni Arevalo na ang tropa ni Flores ay nila­ pitan ng mga lider ng campaign at supporters ng ti­waling lokal na kandidato na inalok ang mga ito ng ma­laking halaga para ma­­ka­pandaya sa eleksyon pero tumanggi ang mga sundalo na lisanin ang kanilang binabantayang polling precinct.

 “They wanted the Marines to leave the school to let the unscrupulous politicians to fill up the remaining ballots for their favored candidates,” ayon kay Are­valo kaugnay sa salaysay ni Pfc. Rhomel Divina.

Napag-alamang tinang­gihan ni Divina ang suhol na sinabing kapalit ng 300 balota ang nais ng mga mandaraya na sila ang mag-fill up sa nasabing poll­ing precints kaya pina­aalis ang mga sundalong nagbabantay dito.

Nabatid pa na ang MBLT 5 ay pinamumunuan ni Lt. Col Camilo Balutan na matinding disiplina ang itinanim sa kaniyang mga tauhan.

Show comments