^

Probinsiya

Mister dedo sa holdaper

- Ni Ed Casulla -

LEGAZPI CITY, Philippines – Pinaniniwalaang nanlaban sa mga holdaper kaya binaril at napatay ang isang 28-anyos na mister kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng F. Imperial Street sa Legazpi City, Albay. Nasapol sa ulo si Hernan Nayve, kawani ng Embarcadero de Legazpi, samantalang naka­ligtas naman ang kanyang misis na si Mailyn Nayve, 28, kahera ng Lotto outlet sa Pacific Mall at kapwa residente ng Camalig, Albay. Lumilitaw na magkasamang naglalakad ang mag-asawa nang hablutin ng ‘di-pa kilalang lalaki ang bag ng babae na naglalaman ng P50,000 mula sa benta sa lotto. Nanlaban ang biktima kaya binaril sa ulo kung saan natangay naman ang bag ng kanyang misis bago tumakas ang gunman lulan ng motorsiklo.

vuukle comment

ALBAY

HERNAN NAYVE

IMPERIAL STREET

LEGAZPI

LEGAZPI CITY

LUMILITAW

MAILYN NAYVE

NANLABAN

NASAPOL

PACIFIC MALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with