Tinedyer kinatay sa pagnanakaw

MANILA, Philippines - Ilang pirasong prutas na marang na ninakaw ang naging kapalit ng buhay ng isang tinedyer makaraang pagtatagain ng katiwala ng plantasyon sa Bunawan District, Davao City kamakalawa ng hapon. Halos magka­gutay-gutay ang katawan ni Alfeo del Castillo habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Moises Baste. Sa police report na nakarating ka­hapon sa Camp Crame, lumilitaw na naaktuhan ni Baste ang biktima na nagnanakaw ng marang sa binabantayang plantasyon sa Kabayan relocation. Dahil dito, nagwala si Baste at pinagtataga ang tinedyer. Nabatid na ilang ulit na pinag­sabihan ni Baste ang tinedyer na huwag magnakaw sa plan­tasyon subali’t matigas ang ulo nito.

Show comments