Pulis binoga sa videoke bar

MANILA, Philippines - Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang pulis makaraang barilin sa ulo ng mga ‘di-pa kilalang lalaki sa videoke bar sa Barangay Kuwatro, Lucena City, Quezon kamakalawa ng madaling-araw. Patuloy na isinasalba sa Mt. Carmel Hospital ang buhay ni P02 Richard Anoso Amar, Intelligence ope­rative ng Quezon Provincial Police Office. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na namimili ng kakantahin si PO2 Amar kasama ang kanyang live-in partner sa loob ng R-Haus Videoke bar sa kahabaan ng CM Recto Street, nang lapitan at pagbabarilin.

Show comments