Buntis na misis nagbigti

QUEZON, Philippines  — Isang 38-anyos na babaeng buntis ang iniulat na nagbigti dahil sa matinding problema sa pamilya sa Barangay Mansilay ng bayan ng Tag­kawayan, Quezon kamakalawa. Bandang ala-una ng hapon nang matagpuang nakabitin sa kisame ng kanilang bahay si Marilyn Madilar. Ayon kay PO2 Nestor Lantin, bago mag-suicide ang biktima ay nakaaway nito ang kanyang mga kamag-anak kung saan winasak pa ang dingding ng kanilang bahay at pinagpipilitang paalisin ang mga kasama. Kasunod nito, nagkulong sa kuwarto ang biktima hanggang sa matagpuan ang kanyang bangkay.

Show comments