Kotse nagliyab: 3 katao natusta

BULACAN, Philippiines  — Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng tatlong kababa­i­han makaraang makulong at matusta sa nagliyab na kotse sa bahagi ng Ba­ran­gay San Roque sa bayan ng Baliwag, Bulacan kaha­pon ng madaling-araw.

Nagmistulang uling ang mga katawan nina Raquel Mino, 28, dalaga; Jennifer Santos, 35, may-asa­wa, negosyante, kapwa naka­tira sa Brgy. San Roque; at si Jubailyn Chua, 20, da­laga, ng Doña Enriqueta Subd., sa Barangay Ba­gong Nayon sa bayan ng Baliwag.

Lumilitaw sa pagsisiya­sat ni PO2 Dante Castillo, tinatahak ng mga bikti­mang lulan ng kotseng Mazda 3 (ZNH-424) ang kahabaan ng Candaba Road sa nabanggit na ba­rangay nang biglang suma­bog ang unahang gulong ng kanilang sa­sakyan.

Nagtuluy-tuloy na su­mal­pok sa kongkretong pa­der ng Shiekainah Christian Church ang kotse kung saan naipit ang tatlong biktima.

Dito na nagliyab ang kotse dahil sa pagtagas ng gasolina kung saan agad na kumalat ang apoy sa loob ng sasakyan hang­gang sa matusta ang mga biktima.

Agad namang sumaklo­lo ang mga tauhan ng pa­matay-sunog subalit hindi na nailigtas ang mga bik­tima.

Show comments