LEGAZPI CITY, Philippines — Matinding selos ang isa sa motibo kaya nagsaksakan ang mag-asawa sa loob ng kanilang tahanan kung saan nasawi ang misis habang malubha naman ang kanyang mister kamakalawa ng hapon sa Barangay Beguito,Viejo sa bayan ng Libmanan, Camarines Sur. Idineklarang patay sa Sipocot District Hospital si Ruth Abella, 30, samantalang nasa malubhang kalagayan si Charlie Abella, 34. Nadiskubre ang insidente nang magtungo ang utol ni Charlie na si Leo Abella sa nabanggit na lugar bandang alas-4 ng hapon. Nabatid na kapwa may hawak na patalim ang mag-asawa na duguang nakahandusay.