Militar utas sa CAFGU

CAMP SIMEON OLA , Legazpi City , Philippines -  — Dahil sa ayaw mag­­bayad ng kanyang ininom na alak, isang sundalo ang nasawi matapos na pagbabarilin ng dalawang miyembro ng Cafgu kahapon ng madaling-araw sa Barangay Ca­lagbangan, Sipocot, Camarines Sur. Nakilala ang biktima na si PFC Gilbert Enopre 24, binata, miyembro ng Phil. Army na nakatalaga sa 49th IB 903rd Infantry Brigade na naka­base sa Sorsogon City at residente ng naturang lugar. Samantala ang dalawang suspek ay kinilalang sina Ariel Belmonte 22, binata at Arce Hara 23, kapwa mi­yem­bro ng 22nd CAA coy na nakabase sa Brgy. Salvacion ng natu­rang bayan. Batay sa ulat ng pulisya ang insidente ay naganap dakong alas-2:00 ng madaling-araw habang ang biktima na lango sa alak ay ayaw magbayad ng kan­yang ininom na alak sa pag-aari ng inuman ng suspek. Nauna rito nagkaroon muna ng mainitang pagtatalo ang mga ito hang­­gang sa magalit ang dalawang suspek at pag­babarilin at saksakin ang biktimang sundalo. Kaagad namang tuma­kas ang mga suspect matapos ang isi­nagawang krimen.

Show comments