Sekyu dinedo ng agaw-armas

QUEZON, Philippines  — Isang security guard na sinasabing inagawan ng baril ang iniulat na napaslang matapos barilin ng nag-iisang miyembro ng Agaw-Armas Gang kama­kalawa ng gabi sa Woodlane Subdivision, phase 1 sa Ba­rangay Balubal sa bayan ng Sariaya, Quezon. Tatlong bala ng baril ang tumapos sa buhay si Rodel Espanola, 27, sekyu ng Washia Security Agency at resi­dente ng Barangay Polo sa bayan ng Mauban, Quezon. Ayon kay PO2 Alnor Tagara, bandang alas-8 ng gabi nang marinig ang sunud-sunod na putok ng baril kung saan natagpuan ang duguang biktima sa gilid ng guard house. Nawawala naman ang service firearm ng biktima na sinasabing tinangay ng gunman.

Show comments